LIHAM














Salamat kaibigan,
Kahit saan ako sinasamahan
Kaya lubos, ika'y pinapasalamatan

Kahit sa nakaraan ika'y iniwan ko
Kaya buhay ay nag ka gulo-gulo
Pero kahit ganon pa man di ka
nawala sa aking munting isipan

Dati malungkot kahit sa tuwing masaya
Sapagkat naalala kung wala ka pala
Masakit isipin ang siyang nakalipas
Pero nag dudulot ng galak sa isipan
Dahil nalampasan ang siyang kahirapan

Akoy walang maipag malaking
yaman na sa iba'y inaasam
Ito lamang pag-ibig ko sayo
at maging sa kapwa ko

Sa kanila ako ay basahan
At ito'y totoo naman sapagkat nag
papakumbaba sa kung sinong may gawa

Ako ay tumutulong ng di nila alam
Pero napasama pa sa tingin ng karamihan
Pero ikaw kaibigan ako'y laging ginagabayan

Salamat ulit sa iyo,
Hindi dahil sa tinutungtungan ko
Kundi sa pag gising nung ako'y lasing

Ito ang liham ko para sa iyo
At ipapabasa sa iba
Kung ako ba'y na uunawaan nila.


IPINASKIL NI LUMAD NASIPITNON